Wednesday, October 6, 2010

Pinansiyal ng Teleserye


Sa teleseryeng ito, may drama, taksil, pagkakabinbin at marami pang iba. Ang balak naming budget ay 100 milyong piso. 40 milyong piso ay para sa mga mga artistang gagamitin namin. Ganitong kamahal ito dahil nais ni Direktor Janz Chiang na gamitin ang mga artistang matatanyag upang maipakita at ipahayag ang tunay na kalakasan ng istoryang ito. 20 milyon naman ang itinabi para sa mga kagamitan, lokasyon at mga iba pang tauhan. Nais ng mga producers na gumamit ng mga magagandang lugar upang ibigay buhay ang pelikula. Ang paniniwala naman ng direktor ay kung maganda ang mga lugar o ang “setting” ng istorya, maganda ang paglabas ng teleserye. Sa usapang tauhan at kagamitan naman, tig 20 milyon ang gagamitin para maganda at bago ang mga filming equipment. Kasama rin ang mga tauhan o staff na tumulong sa paggawa ng teleseryeng ito.

Upang mabayad ang 100 milyong piso, inaasa namin na maganda ang pagsagot ng mga manonood sa bagong teleseryeng ito. Bukod dito, may nahanap rin kaming mga kompanya na maging mga sponsors. Bibigyan namin sila ng advertisement time habang binabayaran nila kami ng pera. Ang mya kompanya na kinakausap namin ngayon ay ang Purefoods, San Miguel Brewery, Coca Cola Philippines, Rebisco at marami pang iba. Inaasa namin na maganda ang kalabasan ng teleseryeng ito.




No comments:

Post a Comment