Monday, October 11, 2010

Episode 6 - 11: Synopsis

EPISODE 6: MGA INUUSIG

Umalis si Elias sa San Diego. Hinanap niya si Kapitan Pablo sa may mga kabundukan. Si Kapitan Pablo ay dating kumukop kay Elias. Natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo na malumbay ang katawan at may anyong sugatan. Iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo na sumama sa kanya, magkasama sila mamuhay at magturingang sila mag-ama. Tumanggi ang matanda. Hindi na raw nito matatalikuran ang pamumuhay ng isang pinag-uusig ngunit lumalaban. Nasabi ni Elias kay Kapitan Pablo na may kilala siyang mayaman na binata, si Ibarra na pwede tumulong sa mga suliranin ng mga pinag-uusig. Dahil si Ibarra ay kaibigan ng Kapitan Heneral. Ipaaabot ni Ibarra ang mga paghihirap naranasan ng taong bayan. Hiling ni Elias na huwag muna gagawa ng anumang marahas na paraan habang hindi pa niya nakaka-usap si Ibarra. Apat na araw ang itinakda ni Elias na pagpapaabot sa Kapitan Heneral ng mga karaingan ng bayan. Nagkasundo silang dalawa. Kapag nabigo naman si Elias, sasama na siya sa pangkat ng mga gustong gumanti sa mga Sibil at mga Prayle.



EPISODE 7: DALAWANG SENYORA

Pumasyal sa bayan si Donya Victorina upang makita kung ano ang ayos ng mga bahay at bukirin ng mga tamad na Indio. Nagbihis siya ng pinakamagarang anyo nang sa ganon mapapahanga ang mga probinsiyano at ipakita sa kanila ang malaking agwat ng uri na buhay sa isa’t-isa. Nagalit si Donya Victorina dahil walang pumapansin sa kanya. Nang dumaan siya sa harap ng bahay nina Donya Consolacion ay labis na uminit ang ulo niya sapagkat lumabi, lumuwa si Donya Consolacion sa kanya. Nag-away tuloy ang dalawang senyora. Tumindi ang away nang dumating ang alperes. Hindi ipinagtanggol ni Don Tiburcio ang kanyang asawa kaya binansagan siya ng “Juan Lanas” (takot sa asawa). Inawat ni Padre Salvi ang mga nag-aaway. Pupunta sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa bahay ng Kapitan Heneral sa Maynila upang magsumbong sa pangyayari na away nila. Hinamon ni Donya Victorina ang asawa ng duwelo sa pistol ang mga alperes. Ngunit, tumanggi si Don Tiburcio. Sa inis ni Donya Victorina, inalisan niya ang pustisong ngipin ng asawa. Bumalik ang mga De Espadana sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sinabihan ni Donya Victorina si Linares na hamunin ang mga alperes ng duwelo sa pistol, kung hindi sasabihin kina Kapitan Tiyago ang buong pagkatao niya. Malungkot na dumating si Kapitan Tiyago na galing sa sabungan. Natalo kasi ang kanyang lasak. Ikinuwento ni Donya Victorina ang lahat na pangyayari na away at pinapahamon niya si Linares sa mga alperes. Kapag hindi nagawa ni Linares, huwag daw payagan siya ipakasal kay Maria Clara. Dahil hindi daw bagay kay Maria Clara ang isang duwag na asawa. Noon lamang nabatid ni Maria Clara ang usapang pangmatanda na siya ay ikakasal kay Linares. Sa gabing iyon, nag-alsa-balutan ang mag-asawa, ibinigay ang kuwentang umabot sa ilang libo kay Kapitan Tiyago, at kinabukasan, maagang-maaga, lumuwas ng Maynila sakay ng karwahe ni Kapitan Tiyago.



EPISODE 8: HIWAGA

Pinatawad ng Arsobispo si Ibarra. Hindi na siya eskomulgado. May dala siyang sulat ng rekomendasyon sa kura. Tumungo si Ibarra sa bahay nina Kapitan Tiyago para masabi kay Maria Clara ang magandang balita. Sinalubong siya ni Tiya Isabel at naging masaya sa sinabi ni Ibarra. Ngunit, naabutan ni Ibarra sina Maria Clara at Linares nasa balkon nag-uusap. Hindi na tinuloy ni Ibarra ang pagdalaw, babalik na lang siya sa ibang araw. Pumunta si Ibarra sa ipinagagawang paaralan. Nandun ang arkitekto na si Nyor Juan. Ipina-alam kay Ibarra ang mga ginagawa sa pinapatayong paaralan. Ibinalita rin ni Ibarra na hindi na siya eskomulgado. Sabi naman ng mga trabahador wala na daw pumapansin sa eskomunyon dahil halos lahat ay eskomulgado na. Nakita ni Ibarra si Elias na kasamang gumagawa sa paaralan. Hiningi ni Ibarra ang listahan ng mga trabahador. Umalis si Nyor Juan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na mag-isang bumubuhat ng isang mabigat na bato. Hiniling ni Elias na magkausap sila ni Ibarra pagsapit ng hapon sa tabi ng lawa at sasakay sila ng bangka. Sumang-ayon si Ibarra at lumayo na si Elias. Dumating si Nyor Juan. Ibinigay ang listahan kay Ibarra ngunit nabigo sa paghahanap ng pangalan ni Elias. Wala doon sa listahan.



EPISODE 9: SI ELIAS AT ANG MGA TINIG NG MGA INUUSIG

Bago lumubog ang araw, sumakay si Ibarra sa bangka ni Elias sa may pampang ng lawa. Nais ni Elias malaya silang makapag-usap at walang makakasaksi sa kanila kaya pumunta sila nang malayo. Inilahad ni Elias ang kanyang layunin sa pakikipagkita na ito. Ipinaparating niya kay Ibarra ang mga suliranin at mga kahilingan ng mga repormista o mga pinag-uusig. Halimbawa, higit na may paggalang sa dangal ng tao; higit na may pangangalaga sa bawat tao. Hiniling din ni Elias na lakarin ni Ibarra na mabawasan ang mga kapangyarihan ng mga Sibil at mga padre. Tumutol si Ibarra. Sabi niya, ang mga Sibil at padre ay “masamang kailangan”. Nagpalitan sila ng opinyon. Gusto ni Elias na alisan ang mga Sibil at padre ng mga kapangyarihan at pagkakataong gumawa ng pagmamalabis. Ngunit sabi ni Ibarra, pag inalis ang mga Sibil, maraming gagawa ng krimen. Ang pagkakaroon ng mga tulisan at kriminal ay dahil sa ginulo ang pananahimik ng taong bayan. Sinaktan ang kanilang mga kamag-anak at nang humingi sila ng Hustisya, wala silang maaasahan kundi ang kanilang sarili. Gusto rin ni Elias na magkaroon ng Reporma sa Simbahan. Nabigla si Elias sa tugon ni Ibarra na ayaw kalabanin niya ang mga padre dahil sila ang nagturo ng Kristiyanismo. Matapat ang pananalig ni Ibarra (kung mali man) na sa ilalim lamang ng pamumuno ng Espanya maaaring umunlad ang Pilipinas. Tangi ang mga pagsisikap lamang ng padre mapapanatili ng Espanya ang kapangyarihan sa Pilipinas. Naisip ni Elias na hindi kilala ni Ibarra ang kanyang bayan. Hindi niya alam ang mga pang-aabuso ginawa ng mga padre sa taong bayan. Naramdaman ni Ibarra na may hinaing si Elias sa kanyang mga nakaraan. Kaya, ipinasalaysay ni Ibarra ang naging mapait na buhay niya.

Maraming pagdurusa nangyari sa buhay ng mga ninuno ni Elias. Katulad ng pagkabilanggo ng kanyang ama; ang ninuno ni Elias ay nabintangan na sinunog ang bahay ng isang Kastilang negosyante; nagpakamatay ang kambal na babae ni Elias dahil nawala ang kanyang kasintahan. Matapos ang isinalaysay ang buhay ni Elias, muling hinikayat nito si Ibarra na pamunuan ang naaping bayan. Hindi pumayag si Ibarra. Dahil ayaw niya makita ang bayan na magulo. Pinapangarap ni Ibarra na magkaroon ng pag-unlad ang bayan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanyang paaralan. Dagdag pa ni Ibarra, hindi malulunasan ang isang kasamaan ng iba pang kasamaan. Nagpaalam at nagpasalamat si Elias kay Ibarra nang dumaong sa pasigan. Hiningi rin ni Elias kay Ibarra na kalimutan siya alang-alang sa kapakanan niya. Pagkatapos, pinuntahan ni Elias agad ang tinataguan na lugar ni Kapitan Pablo. Pinasabi niya sa tauhan ng Kapitan na bigo ang pakikipag-usap kay Ibarra. Sasama na siya sa pangkat ng Kapitan.



EPISODE 10 MAKIKILALA SA UMAGA ANG ISANG MAGANDANG ARAW

Nakatanggap ng sulat si Linares na galing kay Donya Victorina. Kailangan daw sa loob ng 3 araw ay napatay na niya ang alperes. Kung hindi raw ay ibubunyag niya ang mga pagpapanggap ni Linares. Dumating si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago. Palihim niyang hiniling kay Sinang na gumawa ng paraan upang makausap si Maria Clara. Nangako naman si Sinang.

Samantala, napabalita ang maraming nakitang ilaw sa nagdaang gabi sa loob ng sementeryo. May mga tao nagsugal doon. Ngunit, hindi ito ang tunay na layunin, sa dahilan kung sakali magtanong ang mga Sibil ano ang pakay nila sa sementeryo, hindi sila mahuhuli nito. Ang dahilan ng pagtitipon dito ay magkakaisa lumaban sa mga pang-aabuso ng mga Sibil at prayle.

Nagkausap sina Don Filipo at Tandang Tasio na noon ay may malubhang sakit. Nagbitiw na bilang tenyente mayor si Don Filipo. Napag-usapan nila ang suliranin ng Sibil at prayle, ng kabataan at ng bayan, ng matanda bilang halimbawa ng kabataan. Pinapatawag ni Tandang Tasio si Ibarra kay Don Filipo upang makausap. Alam na ni Tandang Tasio na malapit na siya mamamatay.



EPISODE 11 PAGBUBUNYAG

Napatigil ang lahat pagkarinig sa tugtog na panrelihiyon, huminto sa kanilang mga gawain at nag-alis ng sombrero. Maraming ang nagdarasal. Ngunit, si Padre Salvi ay mabilis naglalakad patungo sa bahay ng alperes. Sinabi sa alperes na sa tulong ng isang babaeng nangumpisal ay natuklasan niyang may isasagawang paghihimagsik ang bayan. Humingi si Padre Salvi ng Sibil para sa kanya proteksyon.

Patungo naman si Elias sa laboratoryo ni Ibarra. Sinabihan ni Elias si Ibarra na itago o sunugin ang mga kasulatan na maaaring gawing pampahamak sa kanya. Ipinagtapat ni Elias na natuklasan niya ang pag-aalsa at tinuturo na siya (si Ibarra) ang nagpapalakad sa kilusan. Kailangan na raw tumakas si Ibarra papuntang Maynila o kahit saan na lugar/bahay na may kilalang maykapangyarihan. Subalit, nasa isip pa rin ni Ibarra si Maria Clara. Sila ay may usapang magkikita sa gabi. Tinulungan ni Elias sa pagpili ng mga sisirain na kasulatan. May nabasa na lagda si Elias- Pedro Eibarramendia. Nanginig ang tinig ni Elias nang itanong niya kay Ibarra kung kilala ang pangalan nabanggit. Sabi ni Ibarra ay ninuno ng kanyang ama ang pangalan na iyan. Nanggigil sa galit at sinigawan si Ibarra na iyon ang ninuno na sumira sa puri ng kanyang Ingkong at iyon din ang sanhi ng lahat ng kasawian sa buhay nila. Mananagot dapat si Ibarra sa mga malulungkot nasapit sa buhay ni Elias. Sa huli, wala sa sariling tinakbo ni Elias ang isang maliit na koleksyon ng mga sandata. Subalit, pagkakuha niya sa dalawang punyal ay hinayaang malaglag ang mga ito, at tuminging tila baliw kay Ibarra na nanatiling hindi kumikilos.

No comments:

Post a Comment