Tuesday, October 19, 2010

Ang Huling Synopsis (Episodes 12- Epilogue)

EPISODE 12: MALAKING SAKUNA

Naghahapunan sa komedor sina Kapitan Tiyago, Linares at Tiya Isabel. Nagdahilang walang gana si Maria Clara kumain at nakaupo sa piyano, kasama ang masayahing si Sinang na bumubulong sa kaniya ng mga mahiwagang parirala, samantalang, palakad-lakad sa magkabilang dulo ng sala ang di-mapalagay na si Padre Salvi. Hinihintay ni Maria Clara ang pagdating ni Ibarra. Dumating si Ibarra ika-walo ng gabi. Nagdasal silang lahat sa pamumuno ni Padre Salvi na nanginginig ang tinig. Pagkatapos, bigla nagkaroon ng mga putukan. Nanumbalik naman ang katahimikan. Tinawag ng alperes si Padre Salvi at sinabi na tapos na raw ang mga pagputok. Nagmamadali umalis si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago at uuwi siyang mag-isa patungo sa kanyang bahay. Naghanda si Ibarra ng isang maleta at inayos ang kanyang mga gamit na daldalhin. Ngunit, biglang dumating ang mga Sibil at dinakip siya.

Noon iniwan ni Elias si Ibarra sa kanyang bahay, tumakbo siya na tila walang tiyak na tutunguhin. Nakarating siya sa dalampasigan. Lumusong siya sa tubig hanggang sa dibdib na niya ang lalim nito. Napatigil siya at napunang malalim na narating niya nang nakarinig ng mga putukan sa bayan. Dali-dali umahon siya at pumunta sa bayan. Mukhang walang tao sa bayan. Umiwas si Elias na makasalubong ang mga Guwardiya Sibil, kaya dumaan siya sa mga taniman at halamanan.

Tumungo siya sa bahay ni Ibarra. Narinig ni Elias ang pag-uusap ng mga katulong tungkol sa paghuli ng kanilang panginoon. Pagkatapos malaman ang naganap doon, tumuloy siya sa tanggapan sa loob ng bahay ni Ibarra. Nakita ni Elias ang mga papeles at aklat. Natagpuan din niya ang mga sandata, ang mga supot ng salapi at mga alahas. Binuo niya muli sa isip ang mga nangyari noon at nang makita ang napakaraming papeles na maaaring makapanganyaya, inisip na ipunin ang mga ito, ihulog sa bintana at ibaon sa lupa.

Tumanaw siya sa may hardin, at sa liwanag ng buwan, nakita niyang dumarating ang dalawang Guwardiya Sibil. Gumawa kaagad ng pasiya si Elias. Ibinunton ang mga damit at papeles sa gitna ng tanggapan, binuhusan ng petroleo ng lampara at sinindihan. Nagmamadali siyang nagsukbit ng mga sandata, nakita ang retrato ni Maria Clara at inilagay ito sa isa sa mga supot at dala ang mga ito sabay tumalon sa bintana. Nakaabot sa laboratory ang makapal na apoy at sumabog iyon. Nasunog ang bahay ng mga Ibarra.


EPISODE 13: ISINUMPA

Nag-iiyakan ang mga kaanak ng mga hinuli sa pag-aalsa. Nagtakbuhang tila baliw ang mga kamag-anak ng mga bilanggo. Nagtungo sila sa kumbento at sa kuwartel, mula sa kuwartel tungo sa tribunal. Sinisisi ng mga kaanak si Ibarra sa pagkabilanggo ng kanilang mahal sa buhay.

Pagsapit ng ikalawa ng hapon, isang karitong walang bubong at hila ng 2 baka ang huminto sa harap ng tribunal. Lumabas ang dalawampung sundalo at pinaligiran ang sasakyan. Saka lumabas ang mga bilanggo. Kasama ni Ibarra sina Don Filipo at iba pa. Nagpagapos si Ibarra sa mga Sibil. May kamag-anak ang bawat bilanggo tang lang si Ibarra ay wala. Napalitan ng poot sa binata ang hapis ng mga kamag-anak. Pinaratangan siyang pasimuno ng pag-aalsa. Tiniis ni Ibarra nang tahimik, walang sama ng loob ang makatarungang higanti ng napakaraming nasugatang puso. Iyon ang pahimakas, ang huling paalam ng kanyang bayang kinaroroonan ng lahat ng kanyang pag-ibig. Mula sa isang mataas na pook, tinatanaw ni Tandang Tasio ang pag-aalis ng mga bilanggo. Hindi na niya naabutan ang mga taong nabilanggo dahil sa kanyang karamdaman. Kinaumagahan, natagpuan siyang patay ng mga pastol sa pinakabungad ng kanyang ulilang tahanan.


EPISODE 14: IKAKASAL SI MARIA CLARA

Si Kapitan Tiyago lamang ang may kayang Pilipino na hindi nabilanggo. Dumating sina Donya Victorina, Don Tiburcio at Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. May usapan na sina Kapitan Tiyago at Donya Victorina na ipapakasal na kay Linares si Maria Clara sa loob ng madaling panahon at kinabukasan din ay maghahanda si Kapitan Tiyago ipahayag ang pag-aasawa ni Maria Clara. Maraming pumipintas kay Maria Clara. Dahil siya ay papakasal daw sa panahong malapit ng bitayin ang dating kasintahan. Si Padre Salvi ay aalis na sa San Diego. Tumaas ang kanyang tungkulin pati na rin sa alperes. Lilipat na sa ibang lugar silang dalawa. Nagpahayag naman si Tenyente Guevarra na kung hindi masyadong nagtiwala sa sinusulat ng ilang tao ay siguradong absuwelto sana si Ibarra. Ang pahayag na ito at ang himig ng kanyang pagsasalita ay lubhang ikinamangha ng mga nakikinig, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tumingin si Padre Salvi sa ibang dako, marahil upang hindi makita ang malungkot na sulyap na ipinukol sa kanya ng matanda.

Nagpahatid sa silid si Maria Clara kay Tiya Isabel at doon nagkunwari natutulog siya. Nang tumahimik na at nakaalis na ang mga panauhin ay nagtungo sa asotea ang dalaga. May bangkang tumigil sa tapat nito. Umakyat sa asotea si Ibarra. Sinabi kay Maria Clara na ito taksil ngunit siya ay pinatawad na. Pinigil siya ng dalaga. Nagpaliwanag ang dalaga na may tao na hindi mapahihintulutan ang kanilang pag-iisang dibdib, sapagkat ibinabawal ng kanyang budhi at mapipilitan ang taong (Padre Salvi) ito ibunyag sa madla dahil ang ama ni Maria Clara ay si Padre Damaso. Nagpaliwanag din ang dalaga tungkol sa sulat- kung bakit ibinigay niya ito kay Padre Salvi. Ipinakita sa binata ang dalawang sulat ng ina sa kura. Nagtanungan ng mga balak ang bawat isa. Sumumpa si Maria Clara na minsan lamang siyang umibig. Ipinagtapat ni Ibarra na siya ay isang takas sa bilangguan. Bumalik si Ibarra sa bangka. Nakita ni Maria Clara si Elias.


EPISODE 15: PAGTAKAS HANGGANG LAWA

Balak ni Elias na itago si Ibarra sa isang kaibigan sa Mandaluyong at saka mangibang-bayan siya sa madaling panahon. Niyaya ni Ibarra na sumama sa kanya si Elias sa ibang bayan ngunit tumanggi si Elias. Dahil mas gusto niya na makiramay at tumulong sa mga paghihirap ng sariling bayan. Hindi na rin mangibang-bayan si Ibarra. Ibig ni Ibarra na siya ay maging filibustero. Dumaraan sila sa tapat ng palasyo ng Heneral at maligalig na kumikilos ang mga Guwardiya Sibil. Tila napuna na ang kanilang pagkatakas. May daraanan silang tanod. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinabunan ng damo. Nakaraan sila sa tanod. Tumuloy sila sa Ilog Pasig, lumiko muna sa Ilog Beata patungong Pandakan sapagkat sabi ni Elias sa tanod ay nagrarasyon ng damo sa mga kura sa Maynila. Nag-usap muli ang dalawa. Hindi pumayag si Elias na maghimagsik si Ibarra. Hindi pa raw nakahanda ang bayan. Kaya nagpasiya si Ibarra na mag-isang mag-aalsa. Lumabas silang patungo sa Ilog Pasig.

Nag-usap sila paminsan-minsan hinggil sa iba’t ibang bagay. Magbubukang-liwayway nang sapitin nila ang lawa, maamo at payapa tulad ng isang napakalaking salamin. Pumupusyaw ang buwan at pumupula ang Silangan. Sa may kalayuan, napansin nila ang isang bagay na abuhin at unti-unting papalapit. Bulong ni Elias ay may dumarating na falua. Pinapahiga ni Elias si Ibarra at tatabunan niya ng mga bayong. Inisip ni Elias bumalik sa Pasig, higit na matulin ang Bangka niya kaysa kasalubong. Ngunit sawing kapalaran! Isa pang bangka ang lumitaw buhat sa Pasig at kitang-kita ang kumikintab ng mga bayoneta ng mga Sibil. Sina Elias at Ibarra ay naipit sa pagtakas. Nagsimulang sumagwan nang buong lakas patungo sa Pulo ng Talim. Tumalon sa ilog si Elias para mahirapan mahuli siya. Lalangoy at sisisid sa ilalim ng tubig si Elias, ilalayo ni Elias si Ibarra sa mga Sibil para makaligtas si Ibarra. May usapan sina Elias at Ibarra sa Noche Buena magkikita sa libingan ng Ingkong ni Ibarra. Nagtagal ang paghahabulan. Malayo na ang munting bangka ni Ibarra. Palapit naman nang palapit sa pampang, mga limampung dipa na lamang ang lumalangoy. Napapagod na ang mga naghahabulan. Sa huling pagkakataon, nakita nila itong mga sampung dipa na lamang ang layo sa pampang at pinaulanan nila ng punglo. Pagkatapos, tumahimik ang ulilang lawa. Makaraan ng kalahating oras, ipinilit ng isang sumasagwan na nakakita ito sa tubig malapit sa pampang, ng mga bahid ng dugo.


EPISODE 16: NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO

Walang halaga ang mamahaling mga regaling pangkasal na nakatambak sa mesa. Nakatingin ang dalaga, ngunit hindi nakikita ni nababasa, sa peryodikong nagbabalita sa pagkamatay ni Ibarra-nalunod sa lawa. Masayang dumating si Padre Damaso. Nakita niya na napakalungkot ng dalaga. Sinuyo naman siya ng padre. Ipinagtapat ng dalaga na tulungan ang kanyang ama sirain ang kasal. Sinabi ni Maria Clara, noon daw buhay si Ibarra ay makakaya niyang mabuhay nang nagtitiis ngunit ngayong patay na ang binata ay wala na katuwirang magtiis pa siya. Muling humiling si Maria Clara na ipasok siya sa kumbento, kung hindi siya payagan ay magpapakamatay na lang siya. Sa huli ay pumayag din si Padre Damaso.


EPISODE 17: NOCHE BUENA

Sa dako ng kabundukan may malapit na batis, nakapugad sa gitna ng mga punongkahoy ang isang dampa, itinayo sa mga baluktot na torso. Dito nakatira ang isang mag-anak na Tagalog na pangangaso at pangangahoy ang ikinabubuhay. Dalawang bata ang naglalaro sa tabi ng isang maputla, namimighati may malalaking mata at tumitimo ang tingin, na nakaupo sa isang buwal na punongkahoy. Siya si Basilio, anak ni Sisa. Nagsabi ang Ingkong ng mga bata na ipagbili ang mga nagawang walis para makabili sila ng kahit ano bagay nais nila dahil Pasko na. Humiling si Basilio na pumunta sa bayan upang makita ang kanyang ina at bunsong kapatid. Pinayagan naman ng Ingkong.
Samantala, sa bayan ng San Diego sa bahay ni Kapitan Basilio nakita nina Don Filipo at Kapitan Basilio pagala-gala sa labas ang baliw na si Sisa. Dumating si Basilio sa San Diego. Tumakbo siya patungo sa plasa na pinanggagalingan ng awit ni Sisa. Natagpuan ni Basilio ang bahay nila, walang tao at sira-sira na. Nabatid pagkaraan ng maraming pagtatanong na nabaliw ang kanyang ina at lumalaboy sa buong bayan. Wala siyang nakuha kahit isang balita tungkol kay Crispin.

Narinig ni Basilio ang awit ng ina sa tapat ng bahay ng bagong alperes. Inutos ng mabait na asawa ng alperes ang sundalo upang papasukin si Sisa sa kanilang bahay. Subalit, biglang tumakbo si Sisa nang marinig ang mga lumalapit na sundalo. Sinundan siya ni Basilio. Naghagis ng bato ang sundalo at tinamaan sa ulo ang bata. Hindi ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo para habulin ang ina. Nakarating sila sa kagubatan. Nakita ni Basilio sumuot ang ina sa kasukalan at pumasok sa pintuang kahoy na nagtatanod sa puntod ng matandang Espanyol sa paanan ng balete. Nakatukod ang ulo ni Sisa sa pinto. Tumawag sa pansin ni Sisa ang mga lagitik ng sanga, lumingon at umanyong tatakas, Subalit niyapos siya at pinupog sa halik ng nagpatihulog na anak, na nawalan ng malay pagkatapos.

Nakita ni Sisa ang noong naliligo sa dugo, tinunghayan ito, pinagmasdan ang mukha at pinukaw ng maputlang anyo nito ang mga natutulog na himaymay ng kanyang utak. Nakilala niya ang anak at pumulas ang isang sigaw. Nalugmok siya sa walang-malay na bata, niyayakap ito at hinahalikan. Nang matauhan si Basilio, nakita niya walang-malay ang ina. Niyakap ng sawimpalad ang bangkay at buong pait na tumangis. Walang handog ang gabing Noche Buena kay Basilio kundi pagiging ulila. Umiyak at humibik nang labis ang bata. Nang magtaas ng ulo, nakita niyang kaharap ang isang duguan lalaki at tahimik siyang minamasdan. At tinanong si Basilio kung siya ang anak ng namatay. Tumango si Basilio. Nais ni Basilio ilibing ang ina. Ngunit, wala siyang salapi. Inutusan ng duguan lalaki si Basilio na kumuha ng panggatong sa pampang ng batis, ipatong niya ang mga bangkay (sa kanya at sa ina niya) takpan ito ni Basilio at sindihan, pagliyabin hanggang maging abo sila. Ibinilin din ng lalaki na kung walang dumating, humukay sa lugar na kinalalagyan nila, at may matatagpuan ng maraming kayamanan. Mag-aral daw si Basilio nang mabuti. Bago namatay ang duguan na lalaki, nagwika siya hindi na niya makikita sumilay ang bukang-liwayway ng kanyang bayan!


EPILOGO

Magmula nang pumasok si Maria Clara sa kumbento, iniwan ni Padre Damaso ang bayan upang manirahan sa Maynila. Gayundin si Padre Salvi, na habang naghihintay ng isang bakanteng mitra ay ilang ulit nagsermon sa simbahan ng Santa Clara dahil si Maria Clara ay nandito nagmongha sa kumbentong ito. Hindi pa nakakaraan ng ilang buwan, tumanggap si Padre Damaso ng isang utos mula sa Lubhang Reberendo Padre Probinsiyal upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Sinasabing labis niya itong dinamdam dahil natagpuan siyang patay kinaumagahan sa kanyang silid.

Naging lubhang malungkutin si Kapitan Tiyago dahil sa pagmomongha ni Maria Clara. Hindi na siya nagsisimba tulad ng dati, nalulong siya sa liyampo at sabong, nagsimula na rin humitit ng opyo. Nais niyang mag-isa mamuhay kaya pinauwi si Tiya Isabel sa Malabon o sa San Diego.

Wala nang tumawag kay Don Tiburcio upang magpagamot. Si Donya Victorina ay nagpadagdag ng mga pelukang mga kulot at Andaluzamiyento na naging natural niya na salita. Si Linares ay namatay dahil sa disenteriya.

Ang alperes ay bumalik sa Espanya naiwan ang kanyang asawa na si Donya Consolacion sa Pilipinas.

May mga balita na nabaliw si Maria Clara dahil isang bumabagyong gabi ay nakita siya ng dalawang sundalo sa bubong ng kumbento nakatayo at nagpapaulan. Kaya, may dumalaw sa kumbento at nais niya pangalagaan ang baliw. Ngunit, hindi ipinahintulot ng abadesa ang pagpasok sa klaustro, sa ngalan ng Relihiyon at mga Banal na Tuntunin ng Orden.

Mga Bagong Tauhan




Sources:
http://www.pep.ph/images/guide/0afbcb6d3.jpg (Xyriel Manabat)

http://profile.ak.fbcdn.net/hprofile-ak-snc4/hs347.snc4/41598_336698642022_9443_n.jpg
(Jovit Baldivino)

http://www.pep.ph/images/news/8667a208f.jpg (Makisig Morales)

http://www.pep.ph/images/guide/a72451077.jpg (Ana Capri)

http://www.pep.ph/images/gallery/13-November-2008-30d251a75f/b963518f5.jpg
(Dante Rivero)


Ingkong ng 2 bata (Dante Rivero)















Ana Capri (Sisa)
















Basilio (Makisig Morales)















2 BATA: Jovit Baldivino at Xyriel Manabat

Monday, October 11, 2010

Episode 6 - 11: Synopsis

EPISODE 6: MGA INUUSIG

Umalis si Elias sa San Diego. Hinanap niya si Kapitan Pablo sa may mga kabundukan. Si Kapitan Pablo ay dating kumukop kay Elias. Natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo na malumbay ang katawan at may anyong sugatan. Iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo na sumama sa kanya, magkasama sila mamuhay at magturingang sila mag-ama. Tumanggi ang matanda. Hindi na raw nito matatalikuran ang pamumuhay ng isang pinag-uusig ngunit lumalaban. Nasabi ni Elias kay Kapitan Pablo na may kilala siyang mayaman na binata, si Ibarra na pwede tumulong sa mga suliranin ng mga pinag-uusig. Dahil si Ibarra ay kaibigan ng Kapitan Heneral. Ipaaabot ni Ibarra ang mga paghihirap naranasan ng taong bayan. Hiling ni Elias na huwag muna gagawa ng anumang marahas na paraan habang hindi pa niya nakaka-usap si Ibarra. Apat na araw ang itinakda ni Elias na pagpapaabot sa Kapitan Heneral ng mga karaingan ng bayan. Nagkasundo silang dalawa. Kapag nabigo naman si Elias, sasama na siya sa pangkat ng mga gustong gumanti sa mga Sibil at mga Prayle.



EPISODE 7: DALAWANG SENYORA

Pumasyal sa bayan si Donya Victorina upang makita kung ano ang ayos ng mga bahay at bukirin ng mga tamad na Indio. Nagbihis siya ng pinakamagarang anyo nang sa ganon mapapahanga ang mga probinsiyano at ipakita sa kanila ang malaking agwat ng uri na buhay sa isa’t-isa. Nagalit si Donya Victorina dahil walang pumapansin sa kanya. Nang dumaan siya sa harap ng bahay nina Donya Consolacion ay labis na uminit ang ulo niya sapagkat lumabi, lumuwa si Donya Consolacion sa kanya. Nag-away tuloy ang dalawang senyora. Tumindi ang away nang dumating ang alperes. Hindi ipinagtanggol ni Don Tiburcio ang kanyang asawa kaya binansagan siya ng “Juan Lanas” (takot sa asawa). Inawat ni Padre Salvi ang mga nag-aaway. Pupunta sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa bahay ng Kapitan Heneral sa Maynila upang magsumbong sa pangyayari na away nila. Hinamon ni Donya Victorina ang asawa ng duwelo sa pistol ang mga alperes. Ngunit, tumanggi si Don Tiburcio. Sa inis ni Donya Victorina, inalisan niya ang pustisong ngipin ng asawa. Bumalik ang mga De Espadana sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sinabihan ni Donya Victorina si Linares na hamunin ang mga alperes ng duwelo sa pistol, kung hindi sasabihin kina Kapitan Tiyago ang buong pagkatao niya. Malungkot na dumating si Kapitan Tiyago na galing sa sabungan. Natalo kasi ang kanyang lasak. Ikinuwento ni Donya Victorina ang lahat na pangyayari na away at pinapahamon niya si Linares sa mga alperes. Kapag hindi nagawa ni Linares, huwag daw payagan siya ipakasal kay Maria Clara. Dahil hindi daw bagay kay Maria Clara ang isang duwag na asawa. Noon lamang nabatid ni Maria Clara ang usapang pangmatanda na siya ay ikakasal kay Linares. Sa gabing iyon, nag-alsa-balutan ang mag-asawa, ibinigay ang kuwentang umabot sa ilang libo kay Kapitan Tiyago, at kinabukasan, maagang-maaga, lumuwas ng Maynila sakay ng karwahe ni Kapitan Tiyago.



EPISODE 8: HIWAGA

Pinatawad ng Arsobispo si Ibarra. Hindi na siya eskomulgado. May dala siyang sulat ng rekomendasyon sa kura. Tumungo si Ibarra sa bahay nina Kapitan Tiyago para masabi kay Maria Clara ang magandang balita. Sinalubong siya ni Tiya Isabel at naging masaya sa sinabi ni Ibarra. Ngunit, naabutan ni Ibarra sina Maria Clara at Linares nasa balkon nag-uusap. Hindi na tinuloy ni Ibarra ang pagdalaw, babalik na lang siya sa ibang araw. Pumunta si Ibarra sa ipinagagawang paaralan. Nandun ang arkitekto na si Nyor Juan. Ipina-alam kay Ibarra ang mga ginagawa sa pinapatayong paaralan. Ibinalita rin ni Ibarra na hindi na siya eskomulgado. Sabi naman ng mga trabahador wala na daw pumapansin sa eskomunyon dahil halos lahat ay eskomulgado na. Nakita ni Ibarra si Elias na kasamang gumagawa sa paaralan. Hiningi ni Ibarra ang listahan ng mga trabahador. Umalis si Nyor Juan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na mag-isang bumubuhat ng isang mabigat na bato. Hiniling ni Elias na magkausap sila ni Ibarra pagsapit ng hapon sa tabi ng lawa at sasakay sila ng bangka. Sumang-ayon si Ibarra at lumayo na si Elias. Dumating si Nyor Juan. Ibinigay ang listahan kay Ibarra ngunit nabigo sa paghahanap ng pangalan ni Elias. Wala doon sa listahan.



EPISODE 9: SI ELIAS AT ANG MGA TINIG NG MGA INUUSIG

Bago lumubog ang araw, sumakay si Ibarra sa bangka ni Elias sa may pampang ng lawa. Nais ni Elias malaya silang makapag-usap at walang makakasaksi sa kanila kaya pumunta sila nang malayo. Inilahad ni Elias ang kanyang layunin sa pakikipagkita na ito. Ipinaparating niya kay Ibarra ang mga suliranin at mga kahilingan ng mga repormista o mga pinag-uusig. Halimbawa, higit na may paggalang sa dangal ng tao; higit na may pangangalaga sa bawat tao. Hiniling din ni Elias na lakarin ni Ibarra na mabawasan ang mga kapangyarihan ng mga Sibil at mga padre. Tumutol si Ibarra. Sabi niya, ang mga Sibil at padre ay “masamang kailangan”. Nagpalitan sila ng opinyon. Gusto ni Elias na alisan ang mga Sibil at padre ng mga kapangyarihan at pagkakataong gumawa ng pagmamalabis. Ngunit sabi ni Ibarra, pag inalis ang mga Sibil, maraming gagawa ng krimen. Ang pagkakaroon ng mga tulisan at kriminal ay dahil sa ginulo ang pananahimik ng taong bayan. Sinaktan ang kanilang mga kamag-anak at nang humingi sila ng Hustisya, wala silang maaasahan kundi ang kanilang sarili. Gusto rin ni Elias na magkaroon ng Reporma sa Simbahan. Nabigla si Elias sa tugon ni Ibarra na ayaw kalabanin niya ang mga padre dahil sila ang nagturo ng Kristiyanismo. Matapat ang pananalig ni Ibarra (kung mali man) na sa ilalim lamang ng pamumuno ng Espanya maaaring umunlad ang Pilipinas. Tangi ang mga pagsisikap lamang ng padre mapapanatili ng Espanya ang kapangyarihan sa Pilipinas. Naisip ni Elias na hindi kilala ni Ibarra ang kanyang bayan. Hindi niya alam ang mga pang-aabuso ginawa ng mga padre sa taong bayan. Naramdaman ni Ibarra na may hinaing si Elias sa kanyang mga nakaraan. Kaya, ipinasalaysay ni Ibarra ang naging mapait na buhay niya.

Maraming pagdurusa nangyari sa buhay ng mga ninuno ni Elias. Katulad ng pagkabilanggo ng kanyang ama; ang ninuno ni Elias ay nabintangan na sinunog ang bahay ng isang Kastilang negosyante; nagpakamatay ang kambal na babae ni Elias dahil nawala ang kanyang kasintahan. Matapos ang isinalaysay ang buhay ni Elias, muling hinikayat nito si Ibarra na pamunuan ang naaping bayan. Hindi pumayag si Ibarra. Dahil ayaw niya makita ang bayan na magulo. Pinapangarap ni Ibarra na magkaroon ng pag-unlad ang bayan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanyang paaralan. Dagdag pa ni Ibarra, hindi malulunasan ang isang kasamaan ng iba pang kasamaan. Nagpaalam at nagpasalamat si Elias kay Ibarra nang dumaong sa pasigan. Hiningi rin ni Elias kay Ibarra na kalimutan siya alang-alang sa kapakanan niya. Pagkatapos, pinuntahan ni Elias agad ang tinataguan na lugar ni Kapitan Pablo. Pinasabi niya sa tauhan ng Kapitan na bigo ang pakikipag-usap kay Ibarra. Sasama na siya sa pangkat ng Kapitan.



EPISODE 10 MAKIKILALA SA UMAGA ANG ISANG MAGANDANG ARAW

Nakatanggap ng sulat si Linares na galing kay Donya Victorina. Kailangan daw sa loob ng 3 araw ay napatay na niya ang alperes. Kung hindi raw ay ibubunyag niya ang mga pagpapanggap ni Linares. Dumating si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago. Palihim niyang hiniling kay Sinang na gumawa ng paraan upang makausap si Maria Clara. Nangako naman si Sinang.

Samantala, napabalita ang maraming nakitang ilaw sa nagdaang gabi sa loob ng sementeryo. May mga tao nagsugal doon. Ngunit, hindi ito ang tunay na layunin, sa dahilan kung sakali magtanong ang mga Sibil ano ang pakay nila sa sementeryo, hindi sila mahuhuli nito. Ang dahilan ng pagtitipon dito ay magkakaisa lumaban sa mga pang-aabuso ng mga Sibil at prayle.

Nagkausap sina Don Filipo at Tandang Tasio na noon ay may malubhang sakit. Nagbitiw na bilang tenyente mayor si Don Filipo. Napag-usapan nila ang suliranin ng Sibil at prayle, ng kabataan at ng bayan, ng matanda bilang halimbawa ng kabataan. Pinapatawag ni Tandang Tasio si Ibarra kay Don Filipo upang makausap. Alam na ni Tandang Tasio na malapit na siya mamamatay.



EPISODE 11 PAGBUBUNYAG

Napatigil ang lahat pagkarinig sa tugtog na panrelihiyon, huminto sa kanilang mga gawain at nag-alis ng sombrero. Maraming ang nagdarasal. Ngunit, si Padre Salvi ay mabilis naglalakad patungo sa bahay ng alperes. Sinabi sa alperes na sa tulong ng isang babaeng nangumpisal ay natuklasan niyang may isasagawang paghihimagsik ang bayan. Humingi si Padre Salvi ng Sibil para sa kanya proteksyon.

Patungo naman si Elias sa laboratoryo ni Ibarra. Sinabihan ni Elias si Ibarra na itago o sunugin ang mga kasulatan na maaaring gawing pampahamak sa kanya. Ipinagtapat ni Elias na natuklasan niya ang pag-aalsa at tinuturo na siya (si Ibarra) ang nagpapalakad sa kilusan. Kailangan na raw tumakas si Ibarra papuntang Maynila o kahit saan na lugar/bahay na may kilalang maykapangyarihan. Subalit, nasa isip pa rin ni Ibarra si Maria Clara. Sila ay may usapang magkikita sa gabi. Tinulungan ni Elias sa pagpili ng mga sisirain na kasulatan. May nabasa na lagda si Elias- Pedro Eibarramendia. Nanginig ang tinig ni Elias nang itanong niya kay Ibarra kung kilala ang pangalan nabanggit. Sabi ni Ibarra ay ninuno ng kanyang ama ang pangalan na iyan. Nanggigil sa galit at sinigawan si Ibarra na iyon ang ninuno na sumira sa puri ng kanyang Ingkong at iyon din ang sanhi ng lahat ng kasawian sa buhay nila. Mananagot dapat si Ibarra sa mga malulungkot nasapit sa buhay ni Elias. Sa huli, wala sa sariling tinakbo ni Elias ang isang maliit na koleksyon ng mga sandata. Subalit, pagkakuha niya sa dalawang punyal ay hinayaang malaglag ang mga ito, at tuminging tila baliw kay Ibarra na nanatiling hindi kumikilos.

Ang Mga Bagong Tauhan

Sources:

http://www.abs-cbn.com/Portals/0/Showbuzz/081109-megan.jpg
(Megan Young)


http://www.pep.ph/images/news/c897a55c9.jpg
(Smokey Manoloto)


http://www.pinoyfansclub.com/wp-content/uploads/2009/06/agawin5.jpg
(Noni Buencamino)

http://www.pep.ph/images/news/3a9dd01ca.jpg
(Eddie Garcia)


Eddie Garcia (Pilosopong Tasyo)















Noni Buencamino (Kapitan Pablo)












Smokey Manoloto (Nyor Juan)










Megan Young (Sinang)

Wednesday, October 6, 2010

Episodes 1-5: Synopsis

 Kung hindi ka nanood, ok lang! Mayroon kaming synopsis para malaman ninyo ano nangyari.


EPISODE 1: SIMULA NG PAGHIHIMAGSIK

Si Ibarra ay pinarusahan ng mga prayle -- eskomunyon o pagkatiwalag sa relihiyong Katoliko. Ito ay dahil gusto niya patayin si Padre Damaso sa pag-iinsulto sa kanyang ama si Don Rafael. Nang marinig nito ni Maria Clara, nalungkot at umiyak siya. Dumating si Kapitan Tiyago at sinabi niya na tutulong siya sa pag- aalis ng eskomunyon kay Ibarra. Magpapadala sila ng sulat sa Papa ng Espanya para matanggal ang eskomunyon. Kailangan magbayad si Tiyago ng P 50,000 kay Ibarra dahil may kasunduan sina Don Rafael at Kapitan Tiyago kung ipapakasal si Maria Clara sa iba. Kung hindi ito papayagin ni Kapitan Tiyago, paparusahan siya ni Padre Damaso ng eskomunyon o papatayin siya. Pinili ni Kapitan Tiyago ang pagbabayad ng pera at papakasal ni Maria Clara sa iba, ngunit ayaw ito ni Maria Clara dahil hindi madali palitan ang pagmamahal ng isang tao. Pero, sinabi ni Tiyago kay Maria Clara na  mas mabuting mag-asawa siya sa iba kaysa  mawawalan naman siya (Kapitan Tiyago) ng pera.



EPISODE 2: ANG KAPITAN HENERAL

Dumating ang Kapitan Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakausap niya si Ibarra.
Magaan ang loob ng Kapitan kay Ibarra. Tutulong siya sa pagpapa-alis ng eskomunyon ni Ibarra. Pakikiusapan daw niya ang Arsobispo. Hiniling ng Kapitan na sumama si Ibarra sa kanya papuntang Espanya. Doon na raw siya maninirahan at aarin siyang tunay na anak. Ngunit, magalang na tumanggi si Ibarra. Mas gusto niya dito mamuhay sa bayan ng kanyang ama. Pinatawag ng Heneral ang Alkalde. Mahigpit na inihabilin ng Heneral sa Alkalde ang kaligtasan at katahimikan ni Ibarra. Masaya din nagpresintang ang Heneral na maging ninong sa kasal nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra.




EPISODE 3: ANG KARAPATAN AT ANG KAPANGYARIHAN

Ika-sampu ng gabi. Pumunta ang mga tao sa plasa upang panoorin ang pagtatanghal ng dula. Nang magsimula ang palabas ay naroon na ang mga kura, ngunit hindi nanonood si Padre Salvi. Tinititigan niya si Maria Clara. Natapos ang unang bahagi at dumating si Ibarra. Hiniling ng kura kay Don Filipo na paalisin si Ibarra dahil isa siyang eskomulgado. Tumanggi ang tenyente mayor. Sila raw ang aalis, sabi ng mga kura. Tinawag ang mga kasamahan at nagsialis  nga. Pagkatapos, may dumating na dalawang Sibil para ipatigil ang palabas dahil hindi makatulog ang alperes at alperesa. Tumungo sa entablado ang mga Sibil. Sila ay nanggulo at sinaktan ang mga musikero. Subalit, hinuli sila ng mga kuwadrilyero ni Don Filipo. Nagkagulo sa plasa. May ilan na gustong sunugin ang kuwartel ng mga Sibil. Walang nagawa si Don Felipo. Ang mga tao ay patungo sa kuwartel upang salakayin ang mga Sibil. Hiningan ng tenyente  ang tulong ni Ibarra. Ngunit, hindi niya alam ang paraan upang mapayapa ang mga taong nagkaisa na parusahan ang dalawang Sibil. Nakita ni Ibarra si Elias. Pinakiusapan niya si Elias na gumawa ng paraan para matigil ang kaguluhan nangyayari. Nagbalik sa plasa si Padre Salvi. Nag-aalala siya kay Maria Clara. Pinuntahan niya ang bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mula sa bintana nagpapahinga na ang dalaga.



EPISODE 4: ANG MAG-ASAWANG DE ESPADANA


 Maysakit si Maria Clara. Dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago si Donya Victorina at ang asawa nitong si Don Tiburcio de Espadana, isang nagpapanggap na manggagamot upang gamutin si Maria Clara. Kasama ng mag-asawa ang binatang Kastila -- si Linares, isang abogado na nagtapos sa Universidad Central. Sinuri ni de Espadana ang sakit ni Maria Clara at nagreseta ng mga gamot. Dumalaw si Padre Damaso at paluhang kinausap ang maysakit. Nakilala ng kura si Linares. Nagpasya ang kura na ipakasal si Maria Clara kay Linares.



EPISODE 5: ANG PAGTATAPAT

Kinumpisal ni Padre Salvi si Maria Clara sa paniniwala na ang pangungumpisal ay higit na mabisang gamot kaysa sa mga iniinom na gamot. Gumagaling-galing si Maria Clara makaraan ang ilang oras. Nang pagaling na si Maria Clara ay muling kinumpisal ni Padre Salvi. Nang lumabas sa silid si Padre Salvi, napansin ni Tiya Isabel ang kura ay putlang-putla at basang basa sa pawis.

Ang mga Gaganap sa Huwag Mo Akong Salingin


Mga Pangunahing Tauhan:

Piolo Pascual (Crisostomo Ibarra)









Anne Curtis (Maria Clara)











Robert Arevalo (Kapitan Tiyago)












Mark Gil
(Padre Damaso)







Jaclyn Jose (Donya Victorina)










Mga Ibang Tauhan:

Agot Isidro (Tiya Isabel)

Jaime Fabregas (Kapitan Heneral)

Albert Martinez (Padre Salvi)

Tonton Gutierrez (Don Filipo)

Jake Cuenca (Linares)

Ricky Davao (Alperes)

Bing Loyzaga (Alperesa/Donya Consolacion)

Boboy Garrovillo(Don Tiburcio de Espadana)

Coco Martin (Elias)

Noel Trinidad (Alkalde)

Sid Lucero / Rayver Cruz (2 Sibil)




Pinansiyal ng Teleserye


Sa teleseryeng ito, may drama, taksil, pagkakabinbin at marami pang iba. Ang balak naming budget ay 100 milyong piso. 40 milyong piso ay para sa mga mga artistang gagamitin namin. Ganitong kamahal ito dahil nais ni Direktor Janz Chiang na gamitin ang mga artistang matatanyag upang maipakita at ipahayag ang tunay na kalakasan ng istoryang ito. 20 milyon naman ang itinabi para sa mga kagamitan, lokasyon at mga iba pang tauhan. Nais ng mga producers na gumamit ng mga magagandang lugar upang ibigay buhay ang pelikula. Ang paniniwala naman ng direktor ay kung maganda ang mga lugar o ang “setting” ng istorya, maganda ang paglabas ng teleserye. Sa usapang tauhan at kagamitan naman, tig 20 milyon ang gagamitin para maganda at bago ang mga filming equipment. Kasama rin ang mga tauhan o staff na tumulong sa paggawa ng teleseryeng ito.

Upang mabayad ang 100 milyong piso, inaasa namin na maganda ang pagsagot ng mga manonood sa bagong teleseryeng ito. Bukod dito, may nahanap rin kaming mga kompanya na maging mga sponsors. Bibigyan namin sila ng advertisement time habang binabayaran nila kami ng pera. Ang mya kompanya na kinakausap namin ngayon ay ang Purefoods, San Miguel Brewery, Coca Cola Philippines, Rebisco at marami pang iba. Inaasa namin na maganda ang kalabasan ng teleseryeng ito.