EPISODE 1: SIMULA NG PAGHIHIMAGSIK
Si Ibarra ay pinarusahan ng mga prayle -- eskomunyon o pagkatiwalag sa relihiyong Katoliko. Ito ay dahil gusto niya patayin si Padre Damaso sa pag-iinsulto sa kanyang ama si Don Rafael. Nang marinig nito ni Maria Clara, nalungkot at umiyak siya. Dumating si Kapitan Tiyago at sinabi niya na tutulong siya sa pag- aalis ng eskomunyon kay Ibarra. Magpapadala sila ng sulat sa Papa ng Espanya para matanggal ang eskomunyon. Kailangan magbayad si Tiyago ng P 50,000 kay Ibarra dahil may kasunduan sina Don Rafael at Kapitan Tiyago kung ipapakasal si Maria Clara sa iba. Kung hindi ito papayagin ni Kapitan Tiyago, paparusahan siya ni Padre Damaso ng eskomunyon o papatayin siya. Pinili ni Kapitan Tiyago ang pagbabayad ng pera at papakasal ni Maria Clara sa iba, ngunit ayaw ito ni Maria Clara dahil hindi madali palitan ang pagmamahal ng isang tao. Pero, sinabi ni Tiyago kay Maria Clara na mas mabuting mag-asawa siya sa iba kaysa mawawalan naman siya (Kapitan Tiyago) ng pera.
EPISODE 2: ANG KAPITAN HENERAL
Dumating ang Kapitan Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakausap niya si Ibarra.
Magaan ang loob ng Kapitan kay Ibarra. Tutulong siya sa pagpapa-alis ng eskomunyon ni Ibarra. Pakikiusapan daw niya ang Arsobispo. Hiniling ng Kapitan na sumama si Ibarra sa kanya papuntang Espanya. Doon na raw siya maninirahan at aarin siyang tunay na anak. Ngunit, magalang na tumanggi si Ibarra. Mas gusto niya dito mamuhay sa bayan ng kanyang ama. Pinatawag ng Heneral ang Alkalde. Mahigpit na inihabilin ng Heneral sa Alkalde ang kaligtasan at katahimikan ni Ibarra. Masaya din nagpresintang ang Heneral na maging ninong sa kasal nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra.
EPISODE 3: ANG KARAPATAN AT ANG KAPANGYARIHAN
Ika-sampu ng gabi. Pumunta ang mga tao sa plasa upang panoorin ang pagtatanghal ng dula. Nang magsimula ang palabas ay naroon na ang mga kura, ngunit hindi nanonood si Padre Salvi. Tinititigan niya si Maria Clara. Natapos ang unang bahagi at dumating si Ibarra. Hiniling ng kura kay Don Filipo na paalisin si Ibarra dahil isa siyang eskomulgado. Tumanggi ang tenyente mayor. Sila raw ang aalis, sabi ng mga kura. Tinawag ang mga kasamahan at nagsialis nga. Pagkatapos, may dumating na dalawang Sibil para ipatigil ang palabas dahil hindi makatulog ang alperes at alperesa. Tumungo sa entablado ang mga Sibil. Sila ay nanggulo at sinaktan ang mga musikero. Subalit, hinuli sila ng mga kuwadrilyero ni Don Filipo. Nagkagulo sa plasa. May ilan na gustong sunugin ang kuwartel ng mga Sibil. Walang nagawa si Don Felipo. Ang mga tao ay patungo sa kuwartel upang salakayin ang mga Sibil. Hiningan ng tenyente ang tulong ni Ibarra. Ngunit, hindi niya alam ang paraan upang mapayapa ang mga taong nagkaisa na parusahan ang dalawang Sibil. Nakita ni Ibarra si Elias. Pinakiusapan niya si Elias na gumawa ng paraan para matigil ang kaguluhan nangyayari. Nagbalik sa plasa si Padre Salvi. Nag-aalala siya kay Maria Clara. Pinuntahan niya ang bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mula sa bintana nagpapahinga na ang dalaga.
EPISODE 4: ANG MAG-ASAWANG DE ESPADANA
Maysakit si Maria Clara. Dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago si Donya Victorina at ang asawa nitong si Don Tiburcio de Espadana, isang nagpapanggap na manggagamot upang gamutin si Maria Clara. Kasama ng mag-asawa ang binatang Kastila -- si Linares, isang abogado na nagtapos sa Universidad Central. Sinuri ni de Espadana ang sakit ni Maria Clara at nagreseta ng mga gamot. Dumalaw si Padre Damaso at paluhang kinausap ang maysakit. Nakilala ng kura si Linares. Nagpasya ang kura na ipakasal si Maria Clara kay Linares.
EPISODE 5: ANG PAGTATAPAT
Kinumpisal ni Padre Salvi si Maria Clara sa paniniwala na ang pangungumpisal ay higit na mabisang gamot kaysa sa mga iniinom na gamot. Gumagaling-galing si Maria Clara makaraan ang ilang oras. Nang pagaling na si Maria Clara ay muling kinumpisal ni Padre Salvi. Nang lumabas sa silid si Padre Salvi, napansin ni Tiya Isabel ang kura ay putlang-putla at basang basa sa pawis.
No comments:
Post a Comment